PARA SA BAYAN:

Kawalan Ng Trabaho Dulot Ng COVID-19 Pandemya Sa Pilipinas

Dahil sa pagpapatupad ng kwarantin dulot ng pandaigdigang virus, tumigil ang operasyon ng mga negosyo sa ating bansa. Subalit ngayon, unti-unti nagiging maluwag ang paglabas ng bahay. Pabalik na rin ang iilan ng mga operasyon. Ngunit, hindi parin ito maikukumpara sa panahon bago mag pandemya. Ito ay dahil kailangan pa rin obserbahan ang mga iba’t ibang batas ng social distancing. Kaya, hindi parin maaari ang pagbabalik ng buong lakas o workforce ng pagtatrabaho. Bunga sa pagpigil, pagsara, o pagputol sa pagtatrabaho, nagiging mas mahirap kumita at magkaroon ng paraan na pamumuhay.

Paano makabili ang isang tao ng pagkain, pananamit, kuryente, atbp. Kapag walang trabaho at kita?


Nais Gawin ng Para Sa Bayan

Nais ilahad at suriin ang pagkawalan ng trabaho ng karamihan dahil sa COVID-19 pandemya sa Pilipinas. Bukod dito, isaliksik rin dito ang nagiging epekto ng pagkawalan ng trabaho, lalo na sa mga mahihirap.

Nais rin namin talakayin ito upang una, mas magkaroon ng linaw at kaalaman ukol sa relasyon ng kawalan ng trabaho at COVID-19. Pangalawa, upang mabigyan alerto kung gaano kalala ang sitwasyon at hirap sa mga nawalan ng trabaho, lalo na ang mga mahihirap. Hiling rin namin kilalanin ang mga ibang aspeto o pangyayari sa lipunan, gaya ng pagbabago ng klima, na nagiging ambag rin ng paghihirap sa Pilipinas kasabay ng pagkawalan ng trabaho. Sa huli, nais namin gumawa ng paraan upang sana makatulong o kahit man makapagbigay ng kaunting kaalaman ukol sa kawalan ng trabaho at mga nararanasan ng mga may kaunting kaya.


Mga Sub-Paksa


Kawalan Ng Trabaho: Mayayaman Vs Mahihirap

Kawalan Ng Trabaho: Epekto at Relasyon sa COVID-19

Pagbangon
By: Luis Barredo


Ang resulta ng pagkalat ng COVID-19 ay siguradong hindi nating inaasahan mangyayari sa ating buhay. Napakaraming nawalan sa pandemyang ito maaaring dahil sa kamatayan, kawalan ng trabaho, atbp. Ang pagtigil ng operasyon ng karamihan ng mga negosyo ay isa sa pinakamalaking problema dulot sa COVID-19 dahil maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho. Bunga sa lahat ng ito, nagbago ang buhay sa pandemyang ito.

Nang dumating ang COVID-19 o Coronovirus sa Metro Manila, sinuspinde na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasok ng mga mag-aaral sa Metro Manila mula Marso 10, 2020 hanggang Marso 14, 2020. Idineklara niya ito dahil mabilis mahawa ang tao sa bayrus na ito. Kaya rin noong Marso 15, 2020, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lockdown at quarantine sa Metro Manila. 12 milyon na tao ang nasa Metro Manila kaya idineklara ang lockdown rito. Kasama nitong lockdown ang pagbawal ng “land, air, and sea travels” palabas at papunta ng iba't ibang rehiyon. Ito ay dahil tumaas ang bilang ng “COVID-19 cases” sa Metro Manila. Galing sa anim (6) na kaso, naging isang daan labing isang (111) ang nagpositibo sa isang linggo lamang. Sa pagsuspende ng klase, nasama na rin ang pagsuspende ng trabaho sa gobyernong sektor. Sa pribadong sektor iniutos rin ng “task force” na magsuspinde ng trabaho rito.

Sa pagsara ng mga trabaho, negosyo, at kumpanya, naging apektado ang lahat ng tao maliban sila ay mga may-ari, manggagawa, o trabahador. Lalong nagbunga ito ng paghihirap lalo na sa mga kaunting may kaya at sa mga mababang klase ng lipunan dahil sa kakulangan ng pampinansiyal na resources kaya't ngayon lalong kailangan nila ng ng pera dahil dito sila kumukuha ng pangbili nila ng pangaraw-araw na pangangailangan tulad ng gamot, tubig, kuryente, pagkain, at iba pa. Nakakalungkot makita at isipin na may mga taong hirap na sa buhay tapos nawalan pa ng trabaho. Ito ay isang pagkakataon na napakalungkot at napakasakit ngunit wala pang nagagawang maayos na solusyon para rito.

Nang nagsimula na ang pagsasara ng mga kumpanya, may mga iilan naman na tuloy-tuloy pa rin ang pagtatrabaho. Ang mga ibang empleyado ay nag, “work-from-home” at sila ay kadalasang mga nagtatrabaho sa pribadong sektor, tulad ng Sky-Cable, nanggaling sila sa “face-to-face” setup, pero noong nagkaroon na ng shutdown, lumipat na sila sa “work-from-home”. Hindi lang pribadong sektor ang lumipat ng setup. Ang mga empleyado ng Congress ay nagtungo narin sa pagtrabaho sa bahay.

Ang mga na sa ibaba ng lipunan gaya ng mga Class C na may kadalasang mababang kita ay apektado rin sa COVID-19. Ayon sa survey na inilabas ng Social Weather Stations, pitumput pito (77) na porsyento ng mga pamilya ay nakaranas ng paghihirap dahil sa pagsara ng pampublikong transportasyon. 80 na porsyento naman ng mga pamilya ang nakaranas ng paghihirap dahil sa pagsara ng mga pribadong kumpanya. Noong Marso hanggang Mayo, idineklara ng pangulo ang Enhanced Community Quarantine dahil “high-risk area” ang Metro Manila. Kaya itinigil ang mga pribadong kumpanya at pampublikong transportasyon. Noong Hunyo naman, iniangat na ang ang Enhanced Community Quarantine upang tumaas na ulit ang ekonomiya ng Pilipinas. Pinayagan nang magbukas ang mga malls at tindahan ngunit limitado parin ang pang-publikong transportasyon.

May iilang mga Pilipino naman na nagbebenta ng kanilang mga produkto o gamit online. Kadalasan, may mga nagbebenta ng lumang gamit para makabili ng pang-araw-araw na pangangailangan. May mga nagbebenta rin naman ng pagkain tulad ng ube pandesal o sushi bake. Mayroon rin mga “on-the-go sellers” ng mga gulay at ulam. Sa panahon ng lockdown, ito na ang pinakamabisang paraan na makakuha ng pera lalo na sa mga nawalan ng trabaho. Ngunit, may mga Pilipino na wala pa ring mahusay na trabaho hanggang ngayon dahil mas mataas parin ang unemployment rate ngayon na 8.7% sa pinaka bagong ulat (Oktubre 2020) kumpara sa unemployment rate noong bago pa mag pandemiya na 5.3% lamang noong Enero 2020.

Ngayon, hindi na gaanong kahigpit ang kwarantin na ipinapatupad sa Pilipinas. May mga trabaho ang nakapagsimula na ulit dahil gumaan na paghahanapbuhay ng ibang mga Pilipino. Kahit papaano nabigyan muli ng pag-asa ang mga mamamayang naghirap at nagdusa sa gitna ng pandemiya. Kahit sa pagbenta online, kumikita pa rin ang iba kahit hindi itong permanenteng trabaho. May mga iilang Pilipino rin na nagbibigay ng tulong sa pagbigay ng relief goods para sa mga naghihirap. Pero, kailangan rin nating alalahanin na kahit paunti-unti ang hakbang upang makamit ang gintong araw, nandiyan pa rin sa harap ang bayrus.

Ang unemployment ay isa sa mga kinahihirapan ng Pilipinas. Mas mapapabili sana makabangon ang mga Pilipino kapag pinapahalagahan at binibigyang importansya ito ng gobyerno ng Pilipinas. Ito ay isang malaking problema na mas lalong lumala dulot ng COVID-19. Dapat tulungan ng mga Pilipino ang kapwa Pilipino upang makaraos na ang mga nahihirapan dito. Dapat alalahanin ng lahat ng Pilipino na maaring mangyare ang kawalan ng trabaho sa sino mang tao sa bansang Pilipinas. Sana ay mabigyan muli ng isa pang pagkakataon ang mga nahihirapan upang makabangon sila sa kanilang kinabukasan. Kailangan puriin ang ugali ng mga mamamayang Pilipino dahil hindi sumuko ang sambayanang Pilipinas at naghanap ng mga maliliit na solusyon para gampanan ang problemang ito.

Kawalan Ng Trabaho: Kontribusyon sa Paglala ng Paghihirap

Kawalan Ng Trabaho: Sa Gitna ng Pagbabago ng klima

By: Francesca Manalo


Sa gitna ng COVID-19 Pandemya, makikita pa ring patuloy na bumibilis at lumalakas ang pagbabago ng klima sa Pilipinas at ito ay nagsisilbi rin bilang isang puwersa ng paghihirap lalo na sa mga nawalan ng trabaho, mga mahihirap, o mga nasa ibaba ng lipunan.

Makinig sa Podcast na ito upang mas kilalanin ang paksang Kawalan ng trabaho sa gitna ng Pagbabago ng Klima sa Pilipinas at paano sila nagiging ambag sa paghihirap sa Pilipinas.

Kawalan Ng Trabaho: Ano Ang Maaaring Gawin

Ang Koponan